Nirerespeto ni dating Vice President Jejomar Binay ang desisyon ng kanyang mga anak na sina Makati City Mayor Abigail at Junjun Binay na kapwa tumakbo bilang alkalde ng lungsod sa halalan sa susunod na taon.
Ayon sa nakatatandang Binay, wala siyang pipigalan o kakampihan sa naging desisyon ng kanyang dalawang anak.
Aniya, hindi siya ang magpapasiya kung sino ang karapatdapat kina abi at junjun na maging alkalde ng lungsod kundi ang mga mamamayan ng Makati.
Dagdag pa ni Binay, kapwa may karanasan, kakayanan at malasakit sa mga taga-Makati ang dalawa.
Nagkasundo rin aniya ang dalawang panig na pagtuunan lamang ang kani-kanilang plataporma at iwasan ang mga masasakit na salita laban sa isa’t isa sa panahon ng kampanya.
Sa kabila, nito, nagpasiya naman ang partido ng dating bise presidente na United Nationalist Alliance (UNA) na si Mayor Abby ang kanilang i-endorso.
—-