Tatakbo sa ilalim ng tandem nina Senate President Vicente Sotto, III at Senador Panfilo Lacson si Dating Vice President Jejomar Binay.
Ito ang kinumpirma ni Lacson matapos ang kanilang pulong sa Dating Bise Presidente.
Tinukoy ni Senador Lacson ang hindi matatawarang karanasan ni Binay sa gobyerno na isa sa mga bentahe nito.
Pag-upo palang namin, tinanong na siya ni sp kung anong plano niya. Sabi niya nag-iisip siyang tumakbong senador. So sabi ni senate president, pwede ko na bang i-announce? E sabi niya sige talagang may plano naman daw siya. So, yun, kaya halos buo na yung ticket,” ani Senador Ping Lacson.
Samantala, aminado naman si Lacson na mayroon pang isang bakanteng puwesto sa kanilang line-up para sa hindi pa pina-pangalanang kandidato.
Basta’t yun ang usapan namin, meron kaming nirereserba para sa… Importanteng maka-usap muna namin, yung tapos na usapan. Kasi yung huling usapan, hindi natapos, medyo bitin,” bahagi ng pahayag ni Senador Panfilo Lacson. —ulat mula kay Drew Nacino