Apubrado na sa Bicameral Conference Committee ang proposed Exact Change Bill na layuning magpataw ng parusa sa mga business establishment na hindi magsusukli ng tama sa kanilang mga customer.
Pinangunahan ang Naturang Conference body nina Las Piñas Rep. Mark Villar, Chairman ng House Committee on Trade and Industry at Senador Bam Aquino, Chairman naman ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship.
Pinagsama ng bicameral panel ang House Bill 4730 at Senate Bill 1618 na ini-akda nina Aquino, Villar at Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez.
Alinsunod sa panukala, oobligahin ang mga business establishments na maglagay ng price tags sa bawat produkto o serbisyo kabilang ang tax depende sa goods o services na kanilang ini-aalok.
By: Drew Nacino