Ikinatuwa ng Philippine National Police (PNP) ang lumabas na resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Station (SWS) hinggil sa kampanya kontra iligal na droga ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, nakatutuwang malaman na sa kabila ng mga batikos at kritisismong ipinupukol sa kanila ay nananatili pa rin ang tiwala ng publiko sa kanilang mga hakbang para mas mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.
Dahil dito, nagpapasalamat aniya sila sa publiko sa patuloy na pagtitiwala sa ‘war on drugs’ ng pamahalaan.
Magugunitang lumabas sa SWS survey na walo (8) sa bawat sampung (10) pinoy ang nananatiling kuntento sa kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.
Ito ang ikatlong sunod na taon na nananatiling positibo ang pananaw ng mga Pilipino sa mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan para labanan ang iligal na droga sa bansa. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)