Hindi na papahintulutan ng Simbahang Katolika ang mga nag-iisang dibdib na magpalitan ng wedding vows habang nagsasagawa ng banal na matrimonya.
Ipinaliwanag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi bahagi ng eucharistic rite ang mga wedding vow.
Ayon kay Villegas, nababago ang liturhiya sa oras na isinasama ang personal vow sa seremonya ng kasal at kahit ang mga pari ay walang otorisasyon na baguhin ang liturgy tuwing may matrimonya.
Samantala, pinagbawalan na rin ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga pari na magdaos ng misa sa mga political event o payagan ang mga pulitiko na magsagawa ng mass baptism, confirmation at wedding.
Paglilinaw ni Tagle, ang mga ito ay banal na eukaristiya na hindi dapat hinahaluan ng pulitika o interes ng sinumang kandidato o organisasyon.
By Drew Nacino