Nais ng Department of Health (DOH) na patawan ng excise tax ang mga junk food at sweetened drinks.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang mga nabanggit na produkto ay kadalasang nagiging sanhi ng obesity na humahantong sa mga malubhang sakit.
Dagdag pa ng opisyal, idadagdag ang mga junk food at sweetened drinks sa ilalim ng sin tax law.
Samantala, gusto aniya nila na makita sa mga susunod na taon, kung saan ang mga buwis sa kasalanan ay maaaring pondohan ang iba’t-ibang mga interbensyon na ginagawa ng kanilang departamento upang magbigay ng universal health care para sa lahat.