Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na maaaring mapakinabanagan ng mga guro ang Excused Absence kung sakaling magpositibo sa Covid-19 o obligadong sumailalim sa isolation.
Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa, nakasaad sa Department order no. 39, series of 2022 dapat bayaran ang sahod ng isang guro na nag-file ng Excused Absence.
Nakasaad din sa D.O. 39 na sakaling na-expose sa Covid-19 subalit asymptomatic ay aatasan ang personnel na mag Work from Home Arrangement (WHA).
Gayunman, maari ring mapakinabangan ito basta’t may certification na makukuha mula sa head of offices at naka-attach sa leave forms.
Nagsimula ang pahayag ng DepEd dahil sa impormasyon mula sa Alliance of Concerned Teacher kung saan, pinasasagot umano sa mga guro na nagpositibo sa Covid-19. —sa panulat ni Jenn Patrolla