Hindi umano makadadalo sa ikatlong pagdinig ng senate blue ribbon committee si Executive Secrertary Victor Rodriguez hinggil sa kontrobersyal na Sugar Order no. 4.
Ito ang inihayag ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Francis Tolentino dahil pagtutuunan muna ni Rodriguez ang preparasyon para sa darating na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Sa Indonesia, Singapore, at U.S. sa susunod na linggo.
Nabatid na sinabi ni Rodriguez na nasagot na niya ang tanong ng mga senador sa umano’y hindi otorisadong pag-isyu ng S.O no.4 hinggil sa pag-angkat ng tatlong daang libong metriko tonelada ng asukal sa bansa.
Ayon kay Rodriguez, binabalangkas pa lamang ang resolusyon at hindi pa ito naisasapinal.
Matatandaang hindi rin nakadalo si Rodriguez sa ikalawang hearing sa Senado noong Martes. —sa panulat ni Hannah Oledan