Naghahanda na ang mga otoridad sa Iran sa execution ni British Iranian at dating Deputy Iranian Defense Minister Alireza Akbari na guilty sa kasong pag i-spy para sa United Kingdom.
Ayon ito sa may bahay ni Akbari matapos aniya silang abisuhan hinggil sa pagkakaalis sa solitary confinement ng dating opisyal at sinabihan sa huling pagbisita nila rito.
Patuloy ang pagtatangka ng UK authorities na mapigilan ang execution ni Akbari dahil ito aniya ay politically motivated ng barbaric regime na walang pagpapahalaga sa buhay.
Una na ring hiniling ng British officials ang urgent consular access subalit hindi naman kinikilala ng Iran ang dual citizenship.