Nilinaw ng Philippine Air Force (PAF) na maaaring gamitin ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang gulfstream g280 executive jet ng Pilipinas saan man ang kanyang destinasyon.
Ito ay makaraang kwestyunin ng mga kritiko si PBBM, dahil ginamit umano nito ang naturang eroplano papuntang Singapore noong weekend para manood ng Formula One Grand Prix.
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo, ang executive jet ay isang command and control aircraft na nagpapahintulot kay PBBM na gampanan ang kanyang tungkulin bilang commander in chief saan mang bansa ito magpunta.
Iginiit pa ni Col. Castillo na mandato ng 250th Airlift Wing na mabigyan ng ligtas na air transportation ang pangulo maging ang kaniyang pamilya.