Isinapubliko na ng Palasyo ang Executive Order na lilikha sa Emergency Hotline 911 na magsisilbing “National Emergency Answering Point” na papalit sa Patrol 117.
Nakasaad sa Executive Order 56, kinakailangan nang palitan ang Patrol 117 hotline network upang makasabay sa international standard na emergency numbers para sa public telecommunication networks.
Sa ilalim din ng E.O. 56, dapat pag-ibayuhin pa ang public safety service at ang kasalukuyang peace and order mechanism ng bansa.
Pangangasiwaan naman ng D.I.L.G. ang nationwide emergency hotline 911, habang isasailalim sa national call center ang local 911 na libre para sa lahat.
Bubuwagin na rin ang Patrol 117 Commission at papalitan ng Emergency 911 Commission na pamumunuan ng D.I.L.G., habang vice chair ang D.I.C.T. at magiging miyembro naman nito ang Office of the President, D.O.J., D.N.D., D.S.W.D., D.O.H., D.O.T.R., P.C.O.O., P.N.P., N.T.C., B.F.P. at M.M.D.A.