Naglabas na ng Executive Order ang lokal na pamahalaan ng Baguio City para sa boluntaryong pagsusuot ng face mask sa mga outdoor areas at open spaces.
Sa Executive Order 107-22 na inilabas ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong alinsunod sa Executive Order no.3 ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., binigyan nito ng Go signal ang kautusan sa gitna na rin ng pagpapatupad ng State of Public Health Emergency dahil sa COVID-19.
Welcome naman kay Magalong ang direktiba ni Pangulong Marcos sa pagsusuot ng face mask.
Sa katunayan, naghanda na anya sila ng kautusan para mas maraming aktibidad ang maipagpatuloy sa lungsod na natigil dahil sa pandemya.
Pinayuhan naman ng Alkalde ang mga senior citizen, PWD at may commorbidities na magsuot pa rin ng face mask tuwing lalabas ng bahay bilang proteksyon.