Magpapatupad ang mga lokal na pamahalaan sa labas ng Metro Manila ng executive order para ipatupad ang “No Vaccination, No Ride” policy sa kanilang lugar.
Ito ang inihayag ni Union of Local Authority of The Philippines President at Quirino Governor Dakila Cua kaugnay sa nabanggit na polisiya ng DOTr na nagbabawal sa mga hindi bakunado sa Metro Manila na sumakay sa pampublikong transportasyon.
Aniya, maraming lgus na ang sinisimulang mag-usap at magpanukala ng “No Vax, No Ride” policy.
Dagdag pa ni Gobernador, magkakaroon sila ng kaunting modifications sa executive order upang mai-qualify kung sino lamang ang papayagang gumamit ng naturang transportasyon.
Samanatala, sinabi ni Cua na pabor din siya sa paghihigpit sa paggalaw ng mga hindi pa bakunadong indibidwal upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19. —sa panulat ni Airiam Sancho