Muling binuhay ni Senate President Franklin Drilon ang kanyang panawagan kay Pangulong Noynoy Aquino na maglabas ng isang executive order para sa salary increase ng mga kawani ng gobyerno.
Pagnagkataon, ayon kay Drilon, magsisilbi itong Valentine’s gift ng Pangulong Aquino sa mga government employee.
Sa pamamagitan aniya ng EO, tinatayang 1.5 milyong empleyado ng pamahalaan ang makikinabang sa dagdag-sweldo.
Magugunitang nagkaroon ng “deadlocked” sa bicameral conference committee sa proposed Salary Standardization Law 4 dahil sa isyu na isabay na ang mga military pensioners sa gagawing pagtataas sa sahod ng mga government employee.
By Meann Tanbio