Tiniyak ni Pangulong Benigno Aquino III na makatatanggap ng umento ang mga kawani ng gobyerno.
Ayon sa Pangulong Aquino, maglalabas siya ng executive order at retroactive ang umento mula sa January 1, 2016.
Aniya, ibinalik lamang niya ang draft EO kina Executive Secretary Paquito Ochoa at Budget Secretary Butch Abad para tiyaking walang legal question sa nakalagay na performance-based bonus o PBB at performance enhancement incentive o PEI.
Sinabi ng Pangulo na kung maayos na lahat ng kanyang kuwestyon, lalagdaan niya ito sa Biyernes pagbalik nito ng Pilipinas mula California.
Ibabatay ang dagdag sahod sa naunsyaming Salary Standardization Law-4 na hindi naipasa ng Kongreso bago nag-recess para sa halalan.
By Meann Tanbio