Nakatakda nang ilabas ng Malacañang anumang araw ngayon ang executive order kaugnay sa Freedom of Information o FOI.
Ito mismo ang kinumpirma ng Pangulong Rodrigo Duterte makaraang matanggap na niya ang draft mula sa Presidential Communications Office ng Palasyo.
Inihayag ni Presidential Communications Office Martin Andanar na urgent ang direktiba ng Pangulo para sa nasabing executive order.
Idinagdag ni Andanar na ire-review muna ng Pangulo ang draft at posibleng sa susunod na linggo ay pirmado at pormal na itong mailalabas.
Saklaw ng nasabing kautusan ang lahat ng kagawaran at ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng kapangyarihan ng ehekutibo kasama na ang mga Government Owned and Controlled Corporations o GOCC’s.