Maaaring magpalabas ang Pangulong Benigno Aquino III ng isang executive order sakaling mabigo ang Kongreso na maipasa ang Salary Standardization Law o SSL.
Ito ang mungkahi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II matapos magkaroon ng deadlock sa bicameral conference committee dahil sa isyu ng indexation ng pensyon ng mga retiradong military personnel.
Sa kabila nito, kumpiyansa si Gonzales na mararatipikahan ang SSL-4 sa Mayo sa sandaling magbalik na ang sesyon na magsisimula sa Biyernes, Pebrero 5.
By Meann Tanbio