Itinalaga ng Malacanang si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang caretaker ng gobyerno habang nasa labas ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang Pangulo ay patungo sa Myanmar at Thailand para sa apat na araw na working visit.
Si Secretary Medialdea ang mangangasiwa sa takbo ng gobyerno at titiyak ng kaayusan hanggang sa makabalik sa bansa si Pangulong Duterte.
Kasama ng pangulo sa kanyang official delegation sa Myanmar sina acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Agriculture Secretary Emmanuel Pinol, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, at Martin Andanar ng Presidential Communications Office.
Kasama rin sina senators Vicente Sotto III at Allan Peter Cayetano, National Security Adviser Hermogenes Esperon, Isidro Lapena, Director General ng Phillippine Drug Enforcement Agency at Alex Chua, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to Myanmar.
By: Aileen Taliping