Umaasa ang Trade Union Congress of the Philippines na magkakaroon ng exemption ang mga manggagawang may comorbities sa isasagawang national mass vaccination kontra Covid-19.
Inihayag ni TUCP Spokesman Allan Tanjusay na isa sa malaking issue ngayon ay maraming manggagawa ang natatakot dahil mayroon silang comorbidities.
Batay anya sa IATF Guidelines, mandatory ang pagbabakuna sa national mass vaccination para sa mga manggagawa.
Aarangkada naman ang mass vaccination simula November 29 hanggang December 1. —sa panulat ni Drew Nacino