Inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring mag-apply ng exemption mula sa inaprubahang minimum wage hike order ang maliliit na negosyo
Nilinaw ni labor secretary Silvestre Bello III na maaaring magpa-exempt sa wage hike order ang mga establisimyento na nasa 10 o mas mababa pa ang bilang ng mga empleyado.
Dagdag pa ng kalihim na maaari ring mag-apply ang malalaking mga negosyo kung biktima ang mga ito ng kalamidad.
Magugunitang i-anunsyo ng DOLE ang pag-apruba ng wage board sa 33 pesos na dagdag-sahod sa Metro Manila at 55 hanggang 110 pesos naman na umento sa Western Visayas.
Samantala, umaasa si Bello na magpapalabas na rin ng wage increase order ang ibang regional wage board.