Umani ng batikos mula kina Senador Manny Pacquiao at MMA fighter Connor McGregor ang exhibition match ni Floyd Mayweather Jr sa Japanese kickboxer na si Tenshin Nasukawa sa Tokyo, Japan.
Wagi sa naturang laban si Mayweather matapos pabagsakin sa loob lamang ng dalawang minuto si Nasukawa.
Sa kanyang Twitter account, nagpasaring si Pacquiao at inihayag na kabilang sa kanyang new year’s resolution ay ipagpapatuloy ang paglaban sa mga eksperyensadong boksinger na kasing-laki niya o mas malaki sa kanya.
Bagaman walang pinangalanan, malinaw na si Mayweather ang binabatikos ng People’s Champ.
Sinupalpal naman ni Mcgregor ang dati ring karibal at iginiit na ‘mismatch’ ang paghaharap ni pretty boy at Japanese kickboxer dahil isinagawa ang laban sa ilalim ng boxing rules bagay na pabor kay Mayweather.
Here is an early New Year’s resolution. To continue to only fight experienced opponents who are my size or bigger. @PBC @TGBPromotions @SHOSports @ShowtimeBoxing @MGMGrandGarden @AXS #PacquiaoBroner
— Manny Pacquiao (@mannypacquiao) December 31, 2018