Nakahanda na umano ang Qatar na pawalang bisa ang kanilang kontrobersyal na exit visa system para sa dayuhang manggagawa na kinabibilangan ng mga Pilipino.
Sa ilalim ng sistema, kinakailangang may permiso ang employer bago makaalis ng Qatar ang manggagawa.
Ayon kay Sharon Burrow, General Secretary ng International Trade Union Confederation, inaasahan nilang mapla plantsa ang kasunduan sa susunod na dalawang linggo.
Ang landmark deal sa Qatar exit visa system ay nabuo matapos magbukas ng tanggapan sa Qatar ang International Labor Organization o ILO para subaybayan ang labor reform sa Qatar.
Isa lamang ang Qatar sa may kontrobersyal na exit visa system sa Gitnang Silangan na sinasabing ginagamit para sa exploitation ng mga dayuhang manggagawa tulad ng mga Pilipino.