Namemeligrong magpatuloy ang exodus ng mga magagaling na abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) dahil sa iniipit na retirement benefits ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon kay PAO Chief Percida Rueda Acosta, nito lamang Enero ay 300 ang umalis sa kanila at lumipat patungo sa mga ahensya na maaaring magbigay ng magandang retirement benefit.
Iginiit ni Acosta na kung hindi mareresolba ang isyu sa kanilang retirement benefits ay posibleng pati siya ay maghanap na lang ng malilipatan.
Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Percida Rueda Acosta
Binigyang diin ni Acosta na kasama sa mga naghihintay ng retirement benefit ang dalawang yumao na at 15 bed ridden.
Bahagi ng pahayag ni PAO Chief Percida Rueda Acosta
By Katrina Valle | Ratsada Balita