Nais na buhayin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ban sa pagba-byahe sa EDSA ng mga pribadong sasakyan na drayber lamang ang laman tuwing rush hour.
Ayon kay MMDA EDSA traffic manager Bong Nebrija, ikinokonsidera nilang buhayin ang expanded high occupancy vehicle (HOV) sakaling maipatupad na ng buo sa provincial bus ban sa EDSA.
Naniniwala si nNebrija na ang HOV scheme na mahikayat ang mga motorista sa ride-sharing kung saan inaasahang nasa 30% ang mababawas sa mga pribadong sasakyan.