Lusot na sa bicameral conference committee ang panukalang expanded maternity leave.
Ayon sa inaprubahang consolidated version ng bicam, mula sa kasalukuyang 60 days sa normal delivery at 78 days para sa caesarian gagawin nang 105 days ang paid maternity leave ng isang ina.
Uubra pa itong ma-extend ng 30 araw subalit wala na itong bayad.
Sa 105 days na paid maternity leave, may option din ang ina na ilipat sa asawa ang pitong araw dito bilang paternity leave.
Para naman sa mga solo parent, maaaring mapalawig ng 15 araw na paid leave ang 105 days na maternity leave nito.