Suspendido hanggang ngayong araw ang pagpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme sa National Capital Region.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang nasabing kautusan ay direktiba ng Malacañang na pansamantalang suspendihin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.
Bukod pa dito, sinuspinde din ang pasok sa mga pampublikong paaralan na epektibo mula pa kahapon hanggang ngayong araw dahil sa masamang panahon bunsod ng Bagyong Florita at Hanging Habagat.
Layunin nitong mailayo sa disgrasya ang mga motorista, empleyado at mga estudyante partikular na ang mga tauhan ng kanilang ahensya lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.