Nangangahulugan lamang na maipatutupad na ang lahat ng nakapaloob sa Expanded Solo Parent’s Act matapos na malagdaan na noong nakalipas na linggo ang Implementing Rules and Regulation (IRR) nito.
Sa Laging Handa Briefing sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo, na kailangan na lamang ngayon na hintayin ang 15 to 30 days para sa publication sa mga pahayagan ng batas na ito bago tuluyang maging fully operational.
Kaya naman malaki ang posibilidad ani Sec. Tulfo na sa katapusan ng kasalukuyang buwan, maaari nang maipatupad ang bagong batas para sa mga solo parent.
Kabilang aniya sa mga nakasaad dito ang pagbibigay ng discounts ng mga business establishments sa mga nanay o tatay na solong binubuhay ang kanilang mga anak.