Taun-taon nang io-audit ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga gastusin ng mga water concessionaires sa bansa.
Ayon kay MWSS chief regulator Patrick Lester Ty, ito ay para maging transparent sa mga libro at records ng Manila Water at Maynilad.
Paliwanag ni Ty, may mga gastos aniya ang mga concessionaires na hindi dapat pinapapasan sa mga consumer tulad ng leakages o non-revenue water, at buwis.
Nadedetermina kasi umano ng MWSS ang mga gastusin ng mga ito tuwing magsusumite ang dalawang concessionaire ng rate adjustments na ginagawa kada limang taon.
Kahapon, Nobyembre 6, sinimulan na ang audting at inaasahang matatapos sa unang bahagi ng 2020.