Napatunayan sa isang pag-aaral na may magandang epekto sa tao ang experimental chewing gum kung saan, nakakapagpabawas ito ng virus sa laway ng isang indibidwal.
Sa test-tube experiments gamit ang laway at swab samples mula sa infected individuals, mismong virus ang nag-attach sa Ace2 “Receptors” sa chewing gum.
Base sa naging resulta ng pananaliksik ng University of Pennsylvania sa molecular therapy, ang viral load sa mga sample na nakuha ay bumagsak ng higit sa 95%.
Layunin nitong mabawasan ang transmission sa pakikipag-usap, paghinga at mga nakakaranas ng matinding sipon.
Nabatid na naglalaman ng protein ang naturang gum na humaharang sa Coronavirus particles na makapaglilimita ng virus sa laway. —sa panulat ni Angelica Doctolero