Inihayag ng Department of Health o DOH na inaasahang darating ngayong Marso ang ilang experimental drugs para sa mga tinamaan ng COVID-19.
Ayon sa DOH, mahalaga ang mga nasabing gamot tulad ng Remdesivir at Tocizumab sa laban ng Pilipinas kontra coronavirus.
Paliwanag ng ahensya, unti-unti nang nauubos ang mga nabanggit na donasyon ng World Health Organization o WHO sa ilang ospital sa bansa.