Malaki ang posibilidad na mananalo ang Pilipinas sa kaso laban sa China kaugnay ng gusot sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Professor Jose Antonio Custodio sa gitna napipintong paglalabas ng hatol ng Permanent Court of Arbitration ukol sa naturang usapin.
Giit ni Custodio, malabong paboran ng Arbitral Court ang Beijing lalo pa’t binalewala lamang ng China ang jurisdiction nito sa kaso.
Bahagi ng pahayag ni Professor Jose Antonio Custodio
Combat drills
Samantala, nagsasagawa ng combat drills ang Chinese Navy malapit sa Hainan at Paracel Islands sa South China Sea, isang araw bago ilabas ng International Court ang desisyon nito sa inihaing reklamo ng Pilipinas laban sa China.
Ayon sa Chinese Defense Ministry, naka-sentro ang aktibidad sa air control, surface operations at anti-submarine warfare.
Una nang inihayag ng Tsina na hindi nila kikilalanin ang ilalabas na desisyon ng International Tribunal pabor man ito sa kanila o hindi.
Gayunman, sang-ayon anya sila sa pagresolba ng gusot sa agawan ng teritoryo sa pamamagitan ng negosasyon o konsultasyon.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita | Drew Nacino