Maghihigpit na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa paglalagay ng expiration date sa mga produkto sa bansa.
Inanunsiyo ito ni Trade Undersecretary Ruth Castelo matapos ang bilin ni Trade Secretary Alfredo Pascual kasunod nang ulat na ilang manufacturers ang hindi sumusunod sa panuntunan.
Ayon kay Castelo, gagawin nang visible o mabilis makita ang mga marka sa produkto upang malaman kung hanggang kailan ito maaaring ikonsumo.
May mga paninda aniya na sa kahon lang nakalagay ang expiration date pero hindi sa mismong produkto.
Kaya kung mabibili ito ng mga customers, hindi malalaman kung maayos o expired na ang paninda.