Siniguro ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na epektibo pa rin ang COVID-19 vaccine kahit ito pa’y mapaso o abutin ng expiry date.
Ito’y ayon kay Cabotaje hinggil sa mapapaso ng AstraZeneca vaccine sa katapusan ng Hunyo.
Mababatid na ang naturang brand ng bakuna ay naipamahagi na sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan sa bansa.
Kasunod nito, tiniyak naman ni Cabotaje na kanilang tututukan ang naturang mga bakuna na maituturok sa mga benepisyaryo nito.