Nagtataka si Pangulong Rodrigo Duterte sa panibagong issue na inungkat ng senado hinggil sa sinasabing expired na face shields na binili ng Department Of Health sa Pharmally Pharmaceuticals Corporation.
Sa kanyang talk to the people kagabi, inihayag ni Pangulong Duterte na nalilito na ang mga Senador sa hindi matapos-tapos na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa pangunguna ni Senator Richard Gordon.
Wala na anyang maungkat na issue ang mga Senador kaya’t pati ang faceshield ay pinagdidiskitahan.
Itong sila Gordon, obvious na wala ng ibang mahanap na pepwedeng ibato na issue against the Official of the Executives. Kaya ako, I am not bothered at all. Sabi ni Gordon… Gordon kung alam mo lang ang buhay ko, yours must be a gift with life kasi anak ka ng mayaman. He cannot differentiate the quality if you allegedly tampered with the certificate of production for the certificate of expiration. —sa panulat ni Drew Nacino