Sisimulan na ng Food and Drug Administration (FDA) sa susunod na taon ang paghihigpit sa mga manufacturer na hindi pa rin naglalagay ng “expiration” o “expiry date” sa mga de lata at iba pang produkto.
Ito’y dahil karamihan pa rin sa mga produktong mabibili lalo sa mga supermarket ay “best before o consume before” lamang ang nakalagay na marka sa halip na expiration date.
Taong 2014 pa inilabas ang patakaran na dapat “expiration date” ang ilagay na marka sa mga processed food at hindi “best before” lang.
Bagaman hindi agad ipatutupad ang panibagong patakaran, binibigyan ng FDA ang mga manufacturer ng pagkakataon upang tumalima.
Nilinaw naman ng ahensya na maaari pa namang maglagay ng “best before” pero dapat ay may kasamang expiration date ang mga nasabing produkto.
By Drew Nacino