Sang-ayon ang Malacañang sa inihihirit na pagpapalawig sa ceasefire o tigil-putukan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at NPA o New People’s Army (NPA).
Ayon kay Presidential Political Adviser Ronald Llamas, makatutulong ang tigil-putukan sa payapayang pagdaraos ng halalan sa susunod na taon.
Sa isang peace forum sa ginanap sa Baguio City kahapon ay ipinanukala ng International Alert Philippines ang extended ceasefire.
Nauna nang nagkasundo ang pamahalaan at NPA sa holiday truce na nagsimula noong Disyembre 23 at tatagal hanggang sa hatinggabi ng Enero 3 ng susunod na taon.
Subalit kung matatandaan, sa unang araw pa lamang ng ceasefire kaliwa’t kanang pag-atake na ng NPA sa tropa ng militar ang naganap.
By Jonathan Andal