Nakakasama umano sa kalusugan ng isang tao ang pinalawig pang enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ay ayon sa public health expert na si Susan Pineda Mercado ngayong extended ang ECQ sa buong Luzon hanggang ika-30 ng Abril.
Sinabi ni Mercado na dahil sa ECQ ay apektado ang suplay ng pagkain sa maraming lugar.
Dahil aniya rito mas mahirap makakuha ng tamang nutrisyon ang mga tao.
Bukod dito ,hirap din umano ang publiko sa suplay ng malinis na tubig.
Hindi rin umano maisasantabi ang pangangailangan ng mga may kapansanan na tiyak din mas lalong hirap ngayong panahon na ito.
Dagdag pa ni Mercado, malaki rin ang tyansa ng pagtaas ng kaso ng domestic violence ngayong halos lahat ng miyembro ng pamilya ay nananatili sa bahay at magkakasama ng mahabang oras.