Target ng Metropolitan Manila Development Authority na palawigin ang operating hours ng MRT at LRT ngayong holiday season.
Ito’y matapos makipag-ugnayan sila sa Department of Transportation para sa panukalang pagpapalawig sa operating hours ng mga railways upang may masakyan pauwi ang mall workers at shoppers matapos na pahabain ang mall hours.
Sinabi ni MMDA Acting Chairman Don Artes, na handa na rin ang ahensya sa inaasahang pagsisikip ng trapiko habang papalapit ang Pasko.
Nakahanda rin anya ang MMDA sakaling magkaroon pa ng transport strikes sa harap ng nalalapit na deadline para sa consolidation ng PUJs sa Disyembre 31.
Nauna nang naglabas ang LTFRB ng Memorandum Circular na nagkakansela sa permits ng PUVs na hindi nag-consolidate ng kanilang prangkisa sa January 1, 2024.