Nakadepende sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH) ang pagpapalawig ng panahon ng state of calamity sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, isang buwan bago matapos ang extended period ng state of calamity na idineklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong September 10, 2021.
Aniya, agad nilang iaanunsyo sakaling mayroon nang desisyon ukol dito.
Nabatid na sa September 12, 2022 nakatakdang matapos ang naturang calamity period.