Isinulong mismo ng mga alkalde sa Metro Manila ang pagpapalawig ng general community quarantine status sa kani -anilang mga teritoryo hanggang Disyembre.
Ayon ito kay MMDA General Manager Jojo Garcia na nagsabi ring tina-target ng Metro mayors ang unti unti nang pagluluwag ng restrictions sa gitna pa rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Garcia na tutol din ang mga alkalde sa kalakhang Maynila sa pagbubukas muli ng mga sinehan, pagbabalik ng concerts at pagsdaraos ng christmas parties sa pribadong sektor.
Kasabay nito ipinabatid ni Garcia na ipapatupad na sa Metro Manila ang bagong schedule ng curfew o alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw subalit posibleng maging hanggang alas-3 ng madaling araw kapag nagsimula na ang Simbang Gabi.
Gayunman mananatili ang curfew hours sa Navotas na alas-8 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw dahil mas malaki ang residential areas ng lungsod kaysa industrial sites.