Bukas ang Department of Transportation (DOTr) para i-extend ang construction ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7) sa dalawa pang munisipalidad sa Bulacan.
Sinabi ni DOTr undersecretary Cesar Chavez sa House Committee on Transportation na maaaring maabot ng railway ang populated towns sa Santa Maria at Norzagaray.
Ito ay bilang tugon sa tanong ni Bulacan representative Salvador Pleyto Sr. kung may kapasidad ba ang gobyerno na maabot ang dalawa pang bayan sa distrito niya.
Ayon kay Chavez, pinaka -realistic na paraan para maisagawa ito ay ang posibilidad na i-extend ang MRT-7 mula San Jose Del Monte hanggang Norzagaray at Sta. Maria.
Ang MRT-7 ay proyekto ng San Muguel Corporation sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) na nagkakahalagang P77 billion.—sa panulat ni Hannah Oledan