Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang posibilidad na pagpapalawig ng implementasyon ng number coding scheme sa Metro Manila.
Dahil ito sa pagbigat ng daloy ng trapiko bunsod ng pagbaba ng restriction level dahil sa pagbaba ng kaso ng covid-19.
Ayon kay MMDA Officer-in-Charge Chairman Romando Artes, posibleng mapalawig ang number coding scheme na nagaganap mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 hanggang alas-8 ng gabi.
Hindi naman ito ipapatupad sakaling ibaba na ang Metro Manila sa alert level 1 pagsapit ng Marso. —sa panulat ni Abby Malanday