Wala talagang magagawa ang pamahalaan sa ngayon kundi panatilihin ang mababang taripa sa bigas at iba pang mahalagang pagkain o produkto na inaangkat ng Pilipinas.
Ito, ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, ay dahil hindi naman nakapagpo-produce ng sapat na supply ng pagkain ang bansa.
Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang rekomendasyon ng National Economic Development Authority na palawigin ang mababang taripa sa imported agri-products upang maibsan ang epekto ng mataas na inflation at matiyak na makabibili ng pagkain ang publiko, lalo ngayong holiday season.
Iminungkahi ni Senator Pimentel na repasuhin kada ikatlo o ika-anim na buwan ang ipinatutupad na mas mababang tariff rates.
Iginiit din ng Senador ang kahalagahan ng pagpapahusay ng produksyon ng pagkain sa bansa upang mabawasan ang epekto ng mataas na inflation.