Tututukan ng Philippine Air Force ang external threats sa Pilipinas matapos umanong bumaba ang internal threats sa bansa.
Ayon kay LT. Gen. Connor Anthony Canlas, kanilang ipatutupad ang complete monitoring sa buong bansa sakaling ma-install na ang karagdagang apat na radar sa taong 2024.
Matatandaang nagkaroon ng ‘Flight Plan 2028’ ang ahensya kung saan anim na taon na lang ang kailangan para mai-enhance ang Air Power Capabilities ng Pilipinas.
Sinabi ni Canlas na kailangang maipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang modernisasyon ng Air Force upang mapaghandaan ang external threats dahil narin sa bakbakan ng Russia at Ukraine.