“Extortion at hindi bribery” ang findings ng Senado sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Bureau of Immigration.
Ito ang inihayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon matapos ang limang pagdinig hinggil sa bribery scandal sa BI.
Ayon kay Gordon, irerekomenda nilang kasuhan sina dating Immigration Deputy Commissioners Michael Robles, Al Argosino, dating Immigration Intelligence Division Chief Charles Calima maging si Commissioner Jaime Morente.
Samantala, wala pang nakikita ang kumite na posibleng pananagutan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa umano’y extortion dahil umaksyon naman ito upang masibak agad ang mga dating immigration official na tumanggap ng 5 Million Pesos mula kay Wally Sombero.
By: Drew Nacino / Cely Bueno