Isang uri ng extra ordinary occurrence ang nagaganap na kakapusan sa supply ng kuryente.
Inamin ito ng Department of Energy (DOE) sa isinagawang pagdinig ng Senado.
Ayon kay Energy Undersecretary Jesus Posadas, batay sa hawak nilang data hindi dapat nagkaruon ng power outages nuong April 11 at 12 dahil sapat naman ang power generations ng power producers kayat ito aniya ay iniimbestigahan na nila.
Ipinaliwanag ni Posadas na nagkasabay sabay ang shutdowns ng ilang power generator kaya’t kinapos ang Luzon grid ng 1, 502 megawatts gayung nauna na nilang nailabas sa forecast na mayruon pang reserbang 1, 131 megawatts nuong April 11 at 12.
Binigyang diin ni Posadas na dapat akuin ng buong industriya tulad ng DOE, NGCP, ERC, distribution utilities at generation companies ang responsibilidad sa nangyari.