Extra powers para kay Presumptive President Rodrigo Duterte ang bukas-loob na ibibigay ng liderato ng Kamara ng ika-labimpitong kongreso upang maresolba ang problema sa trapiko.
Ayon kay Incoming House Speaker Pantaleon Alvarez, kukumbinsihin niya ang mga kapwa kongresista na aprubahan ang panukala na magbibigay ng anumang kapangyarihang kakailangangin ni Duterte para masolusyunan ang problema sa trapiko.
Isa, aniya, ang trapiko sa mga mahihirap na suliraning kailangang tugunan ng susunod na administrasyon.
Ngunit giit ni Alvarez, dapat itong malapatan ng drastic measures kung gusto ng lahat na matapos na ang krisis sa trapiko.
By: Avee Devierte