Nanawagan ng agarang imbestigasyon ang Human Rights Watch sa mga kaso ng extrajudicial killings na bunga ng kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay Human Rights Watch Deputy Asia Director Phelim Kine, kinakailangang pumasok na sa imbestigasyon ang United Nations (UN) kasunod nang naging pagbubulgar ni Lascañas na mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte na noo’y alkalde ng Davao City ang siyang nag-utos ng pagpatay.
Aniya, posibleng ito rin ang dahilan kung bakit nahaharap si Senadora Leila de Lima sa politically motivated prosecution dahil sa naging imbestigasyon nito sa Davao Death Squad noong chair pa ito ng Commission on Human Rights.
Kaugnay nito, hinimok nito mga awtoridad na bawiin ang lahat ng kasong isinampa laban kay De Lima, itigil ang harassment sa senadora at makiisa sa magiging imbestigasyon ng UN.
By Rianne Briones