Nakahanda ang Malacañang na paimbestigahan sa United Nations ang pagtaas ng drug related killings sa bansa.
Ito ay kasunod ng ginawang pagkondena at pagpapahayag ng pagkabahala ng UN sa umano’y sunud-sunod na pagpatay sa mga isinasangkot sa iligal na droga sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, maigi nga ito upang mismong ang UN aniya ang makasaksi sa malaking problema ng iligal na droga sa Pilipinas.
Naniniwala si Panelo na tamang pagpapaliwanag lamang ang kailangan ng UN upang mapawi ang pangamba ng mga ito.
Bahagi ng pahayag ni Presidential Chief Legal Counsel Atty. Salvador Panelo
By Ralph Obina | Karambola