Magpapatupad ng extreme enhanced community quarantine (EECQ) sa Davao City dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito’y sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Ayon kay Davao City Mayor Sara Duterte, hindi man niya nais na sapitin ng lungsod ang EECQ, mas mabuti nang maging maagap upang hindi na lumala pa ang sitwasyon ng pagkalat ng sakit sa lungsod.
Kasabay nito, nananawagan ang alkalde sa kaniyang nasasakupan na sumunod sa ipatutupad na panuntunan sa ilalim ng EECQ upang maging epektibo ang hakbang para masugpo ang pagkalat ng COVID-19.